MATATAG curriculum
Grade 10 Filipino
20 learning competencies across 4 quarters, as the Department of Education curriculum guide prints them.
Quarter 1
Content standard
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng Obra Maestra – El Filibusterismo para sa pagtatamo ng kaunlaran at pagtugon sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (mutimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.
Performance standard
Nakabubuo ng documentary film ng El Filibusterismo na naipakikita ang kaunlaran sa usaping panlipunan na isinasaalang-alang ang elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na kasanayan at pananagutan.
Learning competencies (5)
FIL-G10-Q1-01
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng Obra Maestra – El Filibusterismo
- • Kaligirang Pangkasaysayan (El Filibusterismo)
FIL-G10-Q1-02
Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa
- • Pag-aalay sa El Filibusterismo
- • Ang GOMBURZA
- • Mga Tauhan
- • Pagbabalik-tanaw sa Noli Me Tangere (mahahalagang pangyayari na iniuugnay sa El Filibusterismo)
- • Kabanata 1-10
- • Kabanata 11-18
- • Kabanata 19-25
- • Kabanata 26-32
- • Kabanata 33-39
- (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian) at detalye sa El Filibusterimo
- (b) Naipaliliwanag ang banghay (gaya ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari; pagyuyugto ng mga pangyayari (foreshadowing), pagkakahanay ng mga pangyayari (parallelism and simultaneity), at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari (in medias res), mensahe, pahiwatig at kaisipan sa El Filibusterimo
- (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng El Filibusterismo batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao
- (d) Nasusuri ang mahalagang pangyayari ng teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda
- (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika sa El Filibusterimo
- (f) Nakapaghahambing ng mga tekstong hawig sa El Filibusterismo at iba pang nobelang panlipunan na nasusulat sa Pilipinas at sa ibang bansa
FIL-G10-Q1-03
Nasusuri ang mga tekstong biswal na makikita sa El Filibusterismo
- • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
- • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora, at PWD)’ - pabalat ng El Filibusterismo at komiks nito - bapor Tabo - larawan ng sistemang reduccion - kubyerta - serbesa at tubig - buwayang nag-aanyong demonyo - lupang ari-arian - lupa (nakabusal sa bibig ng bagong magsasaka) - agnos/relikaryo/laket - rebolber - Pasko/kapaskuhan - gubat ng mga Ibarra - ulo ni Imuthis - riles - apyan - kayamanan ni Kapitan Tiyago - paskil - lason - kayamanan ni Simoun - Karagatang Pasipiko
- (a) Naipaliliwanag ang kahulugan ng tekstong biswal sa Obra Maestra- El Filibusterismo
- (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng Obra Maestra- El Filibusterismo
FIL-G10-Q1-04
Nakabubuo ng documentary film tungkol sa pag-unlad ng isang usaping panlipunan na maiuugnay sa El Filibusterismo
- (a) Nakapipili ng tiyak na bahagi ng El Filibusterismo
- (b) Nakabubuo ng plano sa paglikha ng documentary film at borador
- (c) Nakakukuha ng mga videos ng mga gaganap
- (d) Nalalapatan ng mga sound effects na kailangan sa video
- (e) Nailalapat ang iba pang elementong multimodal
- (f) Nairerebisa ang nabuong documentary film
FIL-G10-Q1-05
Naibabahagi ang nilikhang tekstong multimodal (documentary film) sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan
Quarter 2
Content standard
Naipamamalas ng mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan (sa Kontemporaneong Panahon /Makabagong Panahon), impormasyonal, akademik para sa pagtatamo ng kaunlaran at pagtugon sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan, at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.
Performance standard
Nakabubuo ng isang grapikong representasyon mula sa sarbey na isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na kasanayan at pananagutan.
Learning competencies (6)
FIL-G10-Q2-01
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa Kontemporaneong Panahon/ Makabagong Panahon kaugnay ng mga tekstong pampanitikan
- • Kaligirang Pangkasaysayan (Panitikan sa Kontemporaneong Panahon / Makabagong Panahon)
FIL-G10-Q2-02
Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa
- • Tula
- (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (persona, sukat at tugma, talinghaga at estilo) at detalye (paksa, nilalaman at kaisipan) ng tula
- (b) Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang diwa/ imahen sa tula
- (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao
- (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tula) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda.
- (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (sukat, tugma,tono at talinghaga) ng tula
- (f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon. Tuluyan
- (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian) at detalye sa tuluyan
- (b) Naipaliliwanag ang banghay (gaya ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari; pagyuyugto ng mga pangyayari (foreshadowing), pagkakahanay ng mga pangyayari (parallelism and simultaneity), at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari (in medias res), mensahe, pahiwatig at kaisipan sa binasang tuluyan.
- (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tuluyan batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao
- (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda
- (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (bisa ng salita, pahiwatig, idyomatikong pahayag, estilo) ng tuluyan
- (f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon
FIL-G10-Q2-03
Nauunawaan ang mahahalagang impormasyon sa isang pananaliksik
- • Kahulugan ng pananaliksik
- • Mga mananaliksik
- • Etika ng pananaliksik (plagiarism)
FIL-G10-Q2-04
Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento
- • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
- • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora at PWD)
- (a) Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal
- (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto (akademik)
FIL-G10-Q2-05
Nakabubuo ng biswal na representasyon mula sa isang sarbey
- (a) Nakapipili ng paksa
- (b) Nababalangkas ang mga nakalap na impormasyon
- (c) Nakabubuo ng borador
- (d) Nailalapat ang biswal at multimodal na mga elemento
FIL-G10-Q2-06
Naibabahagi ang biswal na representasyon mula sa isang sarbey sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan
Quarter 3
Content standard
Naipamamalas ng mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagtataya sa realidad at pagsasaalang-alang sa mekaniks ng pag-alam sa batayang kaalaman sa tekstong akademik sa pagtatamo ng kaunlaran at pagtugon sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.
Performance standard
Nakabubuo ng isang konseptuwal na balangkas na isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na kasanayan at pananagutan.
Learning competencies (4)
FIL-G10-Q3-01
Natutukoy ang kahalagahan ng impormasyon, mensahe, at detalye sa kritikal na pagtingin sa isang komunidad (tulad ng paaralan, barangay, lokal na pamahalaan)
- • Pangangalap ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian
- • Pagtukoy sa katotohanan at opinyon
- • Pagsusuri sa mapagkakatiwalaang sanggunian at kredibilidad ng may-akda
- • Pagtukoy sa pangunahin at pangalawang sanggunian
- • Paggamit ng mga angkop na terminolohiya o salita
FIL-G10-Q3-02
Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento
- • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
- • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora, at PWD)
- (a) Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal
- (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto (akademik)
FIL-G10-Q3-03
Nakabubuo ng isang konseptuwal na balangkas na nagpapakita ng kahalagahan ng mapagkakatiwalaang mga sanggunian
- (a) Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga mapagkukunang sanggunian
- (b) Natutukoy ang mga paksa, tema, at gaps
- (c) Nababalangkas ang konseptuwal na balangkas sa pamamagitan ng dayagram
FIL-G10-Q3-04
Naibabahagi ang konseptuwal na balangkas sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan
Quarter 4
Content standard
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagtataya sa realidad at pagsasaalang-alang sa mekaniks sa pag-alam sa batayang kaalaman sa tekstong akademik upang makatugon sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan bilang isang makabayang Pilipino.
Performance standard
Nakabubuo ng poster presentation ng panukalang pananaliksik na isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan.
Learning competencies (5)
FIL-G10-Q4-01
Nasusuri ang isang abstrak ng pananaliksik
- (a) Naiisa-isa ang mga posibleng paksa para sa panukalang pananaliksik
- (b) Natutukoy ang layunin, pamamaraan, resulta at kongklusyon ng isang abstrak
- (c) Nakabubuo ng sintesis sa mga nabasang abstrak
FIL-G10-Q4-02
Nakabubuo ng panukalang pananaliksik batay sa layunin at target na mambabasa
FIL-G10-Q4-03
Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento
- • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
- • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora, at PWD)
- (a) Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal
- (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto (akademik)
FIL-G10-Q4-04
Nakabubuo ng isang poster presentation ng isang panukalang pananaliksik tungkol sa isang napapanahong usapin/paksa upang makatugon sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan bilang isang makabayang Pilipino
- (a) Nakapipili ng paksa ng pananaliksik
- (b) Nakapagsasagawa ng paunang pananaliksik
- (c) Nakapagbabalangkas ng bahagi ng panukalang pananaliksik (layunin, pamaraan, inaasahang bunga at iba pa)
- (d) Nakasusulat ng borador ng poster presentation
- (e) Narerebisa ang poster presentation
- (f) Nakabubuo ng balangkas ng panukalang pananaliksik sa pamamagitan ng flow chart
FIL-G10-Q4-05
Naibabahagi ang poster presentation ng panukalang pananaliksik sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan
Planning a lesson from these?
Hubmatch lets you tick the competencies your lesson covers and writes a first draft around them — objectives, activities, assessment — which you then edit and export to Word. Two AI plans are free.
Draft a lesson plan