Hubmatch

MATATAG curriculum

Grade 11 Mabisang Komunikasyon

45 learning competencies across 4 quarters, as the Department of Education curriculum guide prints them.

Quarter 1

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang mabisang komunikasyon sa personal at interpersonal na konteksto sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal; nauunawaan nilang ang mga padron ng interaksyon ay naiaangkop at kolaboratibo; at ang pagkakaroon ng tiwala, emosyonal na pagtugon, at pag-unawa sa konteksto ay nagpapalalim ng makakabuluhang ugnayan at pakikipagpalagayang-loob sa malalim na pag-unawa sa pinanggagalingan ng kausap.

Performance standard

Nagagampanan ng mga mag-aaral ang mga tiyak na papel sa mga kontrolado at di-kontroladong personal at interpersonal na sitwasyong komunikatibo; nakalalahok sa komunikasyong intrapersonal, gaya ng pagtatakda ng layunin, pagninilay, at pagsusulat sa talaarawan; nakikibahagi sa malalalim na talakayan tungkol sa mga personal at interpersonal na paksa; nakapagbibigay ng maiikli at mahahabang tugon sa mga tanong kaugnay sa nilalaman at layunin ng usapan at korespondensiya; at nakabubuo ng iba’t ibang anyo ng personal at interpersonal na korespondensiya tulad ng liham, email, text message o chat, at post sa social media.

Learning competencies (11)

  • MABKOM-G11-Q1-01

    Natutukoy kung paano ginagamit nang may layunin ang wika at tono sa pagtalakay ng iba’t ibang personal at interpersonal na paksa

  • MABKOM-G11-Q1-02

    Nahihinuha ang mga pangunahing idea mula sa mga tekstong pasalita, pasulat, at multimodal (hal. naitala at aktuwal na personal na interaksyon)

  • MABKOM-G11-Q1-03

    Nasusuri ang nilalaman at layunin ng personal at interpersonal na komunikasyon, gaya ng pag-uusap at korespondensiya

  • MABKOM-G11-Q1-04

    Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon at konteksto sa pagtalakay ng iba’t ibang personal at interpersonal na paksa

  • MABKOM-G11-Q1-05

    Nakagagamit ng magagalang na pananalita at mga estratehiya sa pagpapadaloy ng usapan (hal. pagpapasimula ng paksa, pagpapalit o pagkontrol ng daloy ng usapan, turn-taking, pagbibigay ng kumpirmasyon o back-channeling, pagbibigay ng tugon, at pagtatapos ng usapan)

  • MABKOM-G11-Q1-06

    Nakagagamit ng angkop na di-berbal na mga estratehiya upang mapahusay ang kalidad ng komunikasyong personal at interpersonal

  • MABKOM-G11-Q1-07

    Nakabubuo ng maayos na personal at interpersonal na komunikasyon na nagpapakita ng malinaw na layunin at pag-unawa sa awdyens (hal. pagtatanong, pagkukwento, paglalahad ng obserbasyon, pagsasalaysay ng karanasan, o pagpapahayag ng opinyon)

  • MABKOM-G11-Q1-08

    Nakalalahok sa komunikasyong intrapersonal (hal. pagsulat ng talaarawan o dyornal, pagbuo ng social media profile) upang mapagnilayan ang mga natutuhan at karanasan, makapagtakda ng layunin, at makagawa ng online na presensiya habang pinoprotektahan ang mga pribadong datos

  • MABKOM-G11-Q1-09

    Nakagagamit ng angkop at mabisang wika at estruktura (hal. paggamit ng mga panandang kohesyong gramatikal) sa iba't ibang layunin

  • MABKOM-G11-Q1-10

    Naipaliliwanag ang mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa mga personal at interpersonal na konteksto na nagpapamalas ng kamalayan sa kanilang layunin

  • MABKOM-G11-Q1-11

    Nakasusuri ng sariling pakikilahok sa komunikasyong personal at interpersonal na may pagtukoy sa mga kalakasan at mga aspektong nangangailangan pa ng paglinang upang mapaunlad ang kakayahang komunikatibo

Quarter 2

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang mabisang komunikasyon sa mga kontekstong sosyal at kultural sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal; nauunawaan nilang ang mga padron ng interaksyon ay sumasalamin sa gampaning panlipunan, mga panlipunang pamantayan at dinamika, at kultural na pagkakaiba-iba, at ang pagiging bukas, pagkakaroon ng sensibilidad sa kultura, paggamit ng ingklusibong wika, at mga etikal na konsiderasyon ay nagpapalalim ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang komunidad at pampubliko at dihital na espasyo.

Performance standard

Nakikilahok ang mga mag-aaral sa mga sitwasyong komunikatibo na kinabibilangan ng iba’t ibang pangkat sosyal at kultural; nakikibahagi sa mga pormal at di-pormal na ugnayan na nagpapakita ng sensibilidad sa mga pamantayang kultural, panlipunang gampanin at gawi; tumutugon nang may paggalang sa mga pampublikong talakayan hinggil sa mga isyung panlipunan at kultural; at nakabubuo ng mga tekstong pasalita, pasulat, at multimodal gaya ng anunsiyo, opinyon o kolum, naratibong kultural, blogs, at mapagnilay na komentaryong nagtataguyod ng ingklusibo at etikal na komunikasyong panlipunan.

Learning competencies (10)

  • MABKOM-G11-Q2-01

    Naipaliliwanag ang mga nakapaloob na saloobin, paniniwala, o pananaw sa mga paksang sosyal at kultural sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon (hal. talumpati, brodkast pangmidya, kultural na pagtatanghal)

  • MABKOM-G11-Q2-02

    Nagagamit ang iba't ibang estratehiya sa kritikal na pakikinig, pagbasa, at panonood, kabilang ang kamalayang kultural at sensibilidad upang bigyang-kahulugan ang iba't ibang anyo ng panitikan, midya, at komunikasyong dihital

  • MABKOM-G11-Q2-03

    Nahihinuha ang pangunahing mensahe, ipinahihiwatig na kahulugan, at pagkiling o bias sa mga komunikasyong pampubliko, sibiko, o kultural (hal. social media post, podcast, art exhibit, pista o festival)

  • MABKOM-G11-Q2-04

    Nakagagamit ng angkop na berbal at di-berbal na mga estratehiya (hal. magagalang na pananalita, hudyat at estratehiya sa pagpapadaloy ng usapan) upang mabisang makipag-ugnayan tungkol sa iba’t ibang kontekstong sosyal at kultural

  • MABKOM-G11-Q2-05

    Naipakikita ang sensibilidad sa mga panlipunang gampanin, pangkatang dinamika at kultural na pagkakakilanlan sa mga interaksyong face-to-face at online

  • MABKOM-G11-Q2-06

    Nakabubuo ng mga tekstong public-facing (hal. blog, komentaryo, adbokasiyang post sa social media, o maikling opinyon o kolum) na nagsusulong ng pagiging ingklusibo, pagkakapantay-pantay, o kamalayang panlipunan

  • MABKOM-G11-Q2-07

    Nakabubuo ng mga mapanuring rebyu ng mga tekstong may kabuluhang kultural (hal. pelikula, maikling kuwento, tula, serye sa telebisyon)

  • MABKOM-G11-Q2-08

    Nakabubuo ng magkakaugnay na argumento o naratibong sumasalamin sa pag-unawa sa panlipunang pananagutan, pagkakaiba-iba, at mga kaugalian

  • MABKOM-G11-Q2-09

    Naipaliliwanag kung paano nakaaapekto ang kamalayang kultural at sensibilidad sa mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa iba’t ibang kontekstong panlipunan

  • MABKOM-G11-Q2-10

    Nakasusuri ng sariling pakikilahok sa komunikasyong panlipunan o interkultural na may pagtukoy sa mga kalakasan at mga aspektong nangangailangan ng paglinang sa pagsulong ng ingklusibo at etikal na diskurso

Quarter 3

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang mabisang komunikasyon sa mga akademiko at pampagsasanay na konteksto sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal; nauunawaan nila na ang mga padron ng interaksyon sa ganitong konteksto ay pormal, may estruktura, at batay sa partikular na disiplina, at na ang integridad sa intelektuwal na gawain, tapat at magalang na pagpuna, at ingklusibong wika ay nagpapalalim ng makabuluhang pakikilahok sa mga akademiko at pampagsasanay na konteksto.

Performance standard

Nakabubuo ang mga mag-aaral ng mga akademiko at teknikal na tekstong pasalita, pasulat, at multimodal para sa tiyak na layon at awdyens, gaya ng artikulo, ulat-pananaliksik, presentasyon, rebyu, at podcast; nakapaghahanda ng mga tala at listahan ng mapagkakatiwalaang sanggunian bilang batayan ng mga tekstong ito; nailalapat ang mga tekstong ito sa anyong presentasyon na ginagamitan ng di-berbal na komunikasyon at multimedia; at nakapagbibigay ng tugon at nakatatanggap ng puna hinggil sa nilalaman, estruktura, at wika upang mapaunlad ang pagganap.

Learning competencies (14)

  • MABKOM-G11-Q3-01

    Natutukoy kung paanong ang nilalaman, estruktura, at wika ng mga pasalita, pasulat, o multimodal na tekstong akademiko at teknikal ay hinuhubog ng awdyens, layon, at konteksto

  • MABKOM-G11-Q3-02

    Nagagamit ang iba't ibang estratehiya sa kritikal na pakikinig, pagbasa, at panonood upang maunawaan ang mga tekstong akademiko at teknikal

  • MABKOM-G11-Q3-03

    Nabibigyang-kahulugan ang datos na nakalarawan sa mga multimodal na anyo (hal. tsart, talahanayan, pigura, atbp.)

  • MABKOM-G11-Q3-04

    Nagagamit ang angkop na mga estratehiya sa pag-unawa ng mga salitang di-pamilyar, kabilang na ang espesyalisadong termino

  • MABKOM-G11-Q3-05

    Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon at konteksto sa pagtalakay ng iba’t ibang paksang akademiko at teknikal

  • MABKOM-G11-Q3-06

    Nakasusunod sa mga pamamaraan, panuto, o proseso sa anyong pasalita, pasulat, o multimodal (hal. pigura, dayagram, tsart, atbp.) upang matagumpay na maisakatuparan ang layunin o matamo ang inaasahang resulta

  • MABKOM-G11-Q3-07

    Nakikilahok nang may kabuluhan sa mga akademiko o teknikal na lektura, presentasyon, o diskusyon sa pamamagitan ng pagtatanong, pagbibigay ng puna o mungkahi, at angkop na pagtugon

  • MABKOM-G11-Q3-08

    Nakikibahagi sa kolaboratibong gawaing akademiko at teknikal (hal. panukalang proyekto, teknikal na ulat, lektura, manwal, atbp.) upang magamit ang kaalaman at kakayahan ng bawat isa at makamit ang kolektibong layunin

  • MABKOM-G11-Q3-09

    Nakabubuo ng maayos na tekstong akademiko at teknikal na nagpapamalas ng kamalayan at pagsasaalang-alang sa awdyens at layon (hal. presentasyong may visual aid, sanaysay, ulat sa pananaliksik at pagsusuri, atbp.)

  • MABKOM-G11-Q3-10

    Naipaliliwanag ang mga konsepto gamit ang angkop na bokabularyo at wikang akademiko at teknikal at representasyong multimodal (hal. dayagram, grap, tsart, infographic, atbp.)

  • MABKOM-G11-Q3-11

    Nakagagawa ng dayagram, tsart, balangkas, buod, sinopsis, o paraphrase mula sa mga tekstong pasalita, pasulat, o multimodal

  • MABKOM-G11-Q3-12

    Nakagagamit ng mga etikal na pamantayan (hal. wastong pagsipi, deklarasyon ng paggamit ng AI, pag-iwas sa plagiarism, atbp.) sa pagbuo ng mas mahahabang akademiko at teknikal na tekstong pasalita, pasulat at multimodal

  • MABKOM-G11-Q3-13

    Naipaliliwanag ang mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa mga kontekstong akademiko at pampagsasanay na nagpapamalas ng kamalayan sa kanilang layunin

  • MABKOM-G11-Q3-14

    Nakasusuri ng sariling pakikilahok sa kontekstong akademiko at pampagsasanay na may pagtukoy sa mga kalakasan at mga aspektong nangangailangan ng paglinang upang mapaunlad ang pagganap at mahubog ang panghabambuhay na pagkatuto

Quarter 4

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayan sa mabisang komunikasyon sa mga propesyonal at pantrabahong konteksto sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal; nauunawaan nila na ang mga padron ng interaksyon ay batay sa konteksto at layon, at maikli; at na ang kalinawan, pormalidad, kaalaman sa hirarkiya, regulasyon ng emosyon, kultural na sensibilidad, at etikal na pananagutan ay nagpapalalim ng mabisang propesyonal at pantrabahong ugnayan.

Performance standard

Nakabubuo ang mga mag-aaral ng iba’t ibang uri ng korespondensiya alinsunod sa mga kumbensiyon sa pagsulat; nakagagawa ng mga propesyonal na profiles at resumés na akma sa layon at awdyens; nakasusulat ng mga case studies, panukalang proyekto, at ulat-pangnegosyo; nakapagmumungkahi ng mga lathalang pantrabaho, publikasyong korporatibo, o artikulo para sa industriya alinsunod sa pagkakakilanlan ng organisasyon; at nakikilahok sa makabuluhang mga panayam, pulong, talakayan, at negosasyon.

Learning competencies (10)

  • MABKOM-G11-Q4-01

    Naututukoy ang paggamit ng wika at tono nang may layunin sa pagtalakay ng iba't ibang propesyonal at pantrabahong paksa.

  • MABKOM-G11-Q4-02

    Nakikinig nang aktibo sa komunikasyong pantrabaho at propesyonal (hal. mga pulong, tawag sa telepono, presentasyon, panuto, atbp.) upang makapagtala ng tumpak at organisadong impormasyon bilang batayan sa pagsasakatuparan ng gawain at sanggunian sa hinaharap

  • MABKOM-G11-Q4-03

    Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon at konteksto sa pagtalakay ng iba’t ibang usaping propesyonal o pantrabaho

  • MABKOM-G11-Q4-04

    Nakikilahok nang may kabuluhan sa komunikasyong propesyonal o pantrabaho (hal. mga panayam, pulong, negosasyon, sesyon ng pagbibigay ng puna, atbp.) sa pamamagitan ng pagtatanong, pagbibigay ng puna o mungkahi, at angkop na pagtugon

  • MABKOM-G11-Q4-05

    Nakikibahagi sa mga kolaboratibong gawaing pantrabaho o propesyonal (hal. paggawa ng panukala, ulat, presentasyon, o proyekto) upang magamit ang kaalaman at kakayahan ng bawat isa at makamit ang kolektibong layunin

  • MABKOM-G11-Q4-06

    Nakabubuo ng maayos na komunikasyong propesyonal o pantrabaho na nagpapamalas ng kamalayan sa awdyens at layon (hal. presentasyon na may visual aid, email, ulat, atbp.)

  • MABKOM-G11-Q4-07

    Nagagamit ang angkop na kumbensiyon sa pagsulat (hal. anyo at disenyo, font, bulleting at numbering, bolding, italicization, atbp.) at tiyak at malinaw na wika upang makapagpahayag ng mabisang komunikasyong propesyonal at pantrabaho

  • MABKOM-G11-Q4-08

    Nakabubuo ng mga propesyonal na profile, resumé, at aplikasyon sa trabaho o kolehiyo na angkop sa layon at awdyens

  • MABKOM-G11-Q4-09

    Naipaliliwanag ang mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa mga kontekstong propesyonal at pantrabaho na nagpapamalas ng kamalayan sa kanilang layunin

  • MABKOM-G11-Q4-10

    Nasusuri ang sariling kahandaang makilahok sa komunikasyong propesyonal at pantrabaho na may pagtukoy sa mga kalakasan at mga aspektong nangangailangan ng paglinang para sa aktuwal na aplikasyon sa mundo ng trabaho

Planning a lesson from these?

Hubmatch lets you tick the competencies your lesson covers and writes a first draft around them — objectives, activities, assessment — which you then edit and export to Word. Two AI plans are free.

Draft a lesson plan