MATATAG curriculum
Grade 11 Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino
19 learning competencies across 4 quarters, as the Department of Education curriculum guide prints them.
Quarter 1
Content standard
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkahubog ng kamalayang pangkasaysayan tungo sa pambansang pagkakakilanlan
Performance standard
Nakapagsasagawa ng proyektong nagpapamalas ng kamalayang pangkasaysayan na angkop sa kontekstong lokal
Learning competencies (5)
KASAY-G11-Q1-01
Natatalakay ang kahulugan at katuturan ng kamalayang pangkasaysayan
KASAY-G11-Q1-02
Nasusuri ang ugnayan ng heograpiya at kultura sa kamalayang pangkasaysayan gamit ang piling mga pamayanan at karanasan
KASAY-G11-Q1-03
Naiuugnay ang mga kultura at kamalayang pangkasaysayan sa sariling konteksto at karanasan
KASAY-G11-Q1-04
Nasusuri ang umiiral na paniniwala at pananampalataya ng kalinangang Pilipino
KASAY-G11-Q1-05
Naiuugnay ang personal at panlipunang paniniwala at pananampalataya sa kamalayang pangkasaysayan
Quarter 2
Content standard
Naipamamalas ang masusing pag-unawa sa iba’t ibang anyo ng pakikibaka bilang salik sa pag-usbong ng kamalayang Pilipino
Performance standard
Nakapagpapahayag ng paninindigan (hal. posisyong papel, presentasyon, pahayag, adbokasiya, atbp.) na nagsusuri sa karanasan ng mga Pilipino sa pakikibaka laban sa iba’t ibang anyo ng opresyon
Learning competencies (6)
KASAY-G11-Q2-01
Naipaliliwanag ang kahulugan at katuturan ng pakikibaka bilang salik sa pag-usbong ng kamalayang Pilipino
KASAY-G11-Q2-02
Nasusuri ang mga kolektibong karanasan ng pakikibaka laban sa mga dayuhan gamit ang piling kaso (cases) sa kasaysayan
KASAY-G11-Q2-03
Natataya ang bunga ng mga kilusang panlipunan tulad ng kilusang agraryo, propaganda, at himagsikan sa pagsusulong ng kamalayang Pilipino
KASAY-G11-Q2-04
Nasusuri ang kolektibong karanasan ng pakikiangkop sa panahon ng pagsasarili gamit ang piling kaso (cases)
KASAY-G11-Q2-05
Natataya ang bunga ng pakikiangkop ng mga Pilipino sa pagsulong ng kamalayang Pilipino
KASAY-G11-Q2-06
Naiuugnay ang personal sa pangkalahatang karanasan ng pakikibaka at pakikiangkop
Quarter 3
Content standard
Naipamamalas ang kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa kamalayang panlikás-kayang pag-unlad na tumutugon sa pangangailangang panlipunan
Performance standard
Nakabubuo ng angkop na panukalang proyektong pangkomunidad na tutugon sa pangangailangan ng kinabibilangang lipunan/pamayanan
Learning competencies (4)
KASAY-G11-Q3-01
Natatalakay ang mga konseptong kaugnay ng likás-kayang pag-unlad
KASAY-G11-Q3-02
Nasusuri ang mga opisyal na dokumentong nagsusulong ng likás-kayang pag-unlad
KASAY-G11-Q3-03
Nasusuri ang mga piling programang panlipunang nagsusulong ng likás-kayang pag-unlad
KASAY-G11-Q3-04
Napahahalagahan ang likás-kayang pag-unlad bilang pundasyon ng pagsasakatuparan ng katarungang panlipunan
Quarter 4
Content standard
Naipamamalas ang malalim na pagsusuri at pagpapahalaga sa kamalayan sa pagkamamayang Pilipino at global tungo sa pagiging mapanagutan at aktibong mamamayan ng bansa at daigdig
Performance standard
Nakapagsasagawa ng adbokasiya na nagpapakita ng pagsuporta sa mga kasalukuyang plano ng pag-unlad tungo sa pagtatamo ng kolektibong pangarap ng sambayanang Pilipino
Learning competencies (4)
KASAY-G11-Q4-01
Natatalakay ang mga kaisipang kaugnay sa pagkamamamayan
KASAY-G11-Q4-02
Nasusuri ang pangkalahatang karapatan at tungkulin ng mamamayan sa pagtatamo ng pambansang kaunlaran
KASAY-G11-Q4-03
Nakapagsasagawa ng mga hakbang ng pakikiisa tungo sa pambansang kaunlaran
KASAY-G11-Q4-04
Napahahalagahan ang bahagi ng bawat mamamayan sa pagtatamo ng pambansang kaunlaran
Planning a lesson from these?
Hubmatch lets you tick the competencies your lesson covers and writes a first draft around them — objectives, activities, assessment — which you then edit and export to Word. Two AI plans are free.
Draft a lesson plan