Hubmatch

MATATAG curriculum

Grade 12 Filipino sa Sining at Disenyo

13 learning competencies across 2 quarters, as the Department of Education curriculum guide prints them.

Quarter 1

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayan sa paggamit ng komunikatibong Filipino sa kritikal na pag-unawa ng mga batayang kaalaman sa sining at disenyo, partikular na sa pagsusuri at pagpapahalaga sa mga uri ng literatura. Paghahanda ito sa pagsulat ng rebyu ng mga likhang-sining sa komunidad.

Performance standard

Nakasusulat ng rebyu ng isang likhang-sining at disenyo sa komunidad gamit ang komunikatibong Filipino.

Learning competencies (7)

  • FILSIN-G12-Q1-01

    Naipaliliwanag ang gamit ng komunikatibong Filipino sa sining at disenyo

  • FILSIN-G12-Q1-02

    Nasusuri ang paggamit ng komunikatibong Filipino sa iba’t ibang uri ng sining at disenyo

  • FILSIN-G12-Q1-03

    Nasusuri ang iba't ibang uri ng sining batay sa mga elemento ng anyo nito at ekspresyong kultural

  • FILSIN-G12-Q1-04

    Naipaliliwanag ang batayang kaalaman, kalikasán, at mga elemento ng mga tekstong pansining

  • FILSIN-G12-Q1-05

    Naiuugnay ang mahalagang kaisipan ng mga tekstong pansining sa sariling pananaw, karanasan ng tao, at mga usaping panlipunan

  • FILSIN-G12-Q1-06

    Nakabubuo ng ulat-suri sa mga tekstong pansining ayon sa: a. gamit ng komunikatibong Filipino b. elemento c. ekspresyong kultural d. etikal na pananagutan (hal., paggamit ng Artificial Intelligence o AI, plagiarism, atbp.)

  • FILSIN-G12-Q1-07

    Nakasusulat ng rebyu ng likha ng isang alagad ng sining o artista sa komunidad gamit ang komunikatibong Filipino

Quarter 2

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayan sa paggamit ng komunikatibong Filipino sa kritikal na pag-unawa ng mga batayang kaalaman sa sining at disenyo at sa pagsusuri at pagpapahalaga sa mga uri nito na broadcast media, sining panteatro, sining biswal at arkitektura tungo sa pagsasagawa ng eksibit.

Performance standard

Nakapagsasagawa ng eksibit ng mga anyong sining na ginagamitan ng mabisang komunikatibong Filipino.

Learning competencies (6)

  • FILSIN-G12-Q2-01

    Nasusuri ang iba't ibang uri ng sining batay sa mga elemento at ekspresyong kultural

  • FILSIN-G12-Q2-02

    Naiuugnay ang mahalagang kaisipan ng mga tekstong pansining sa sariling pananaw, karanasan ng tao, at mga usaping panlipunan

  • FILSIN-G12-Q2-03

    Naipaliliwanag ang mahahalagang elemento ng mahusay na sulating pansining sa napanood na teleserye, dula, shadow play, puppet show, at iba pa

  • FILSIN-G12-Q2-04

    Nakalilikha ng sulatin batay sa wasto at angkop na paggamit ng wika sa mga sining Biswal

  • FILSIN-G12-Q2-05

    Nakabubuo ng ulat-suri sa mga tekstong pansining ayon sa: a. gamit ng komunikatibong Filipino b. elemento c. ekspresyong kultural d. etikal na pananagutan (hal., paggamit ng Artificial Intelligence, plagiarism, at iba pa)

  • FILSIN-G12-Q2-06

    Nakapagsasagawa ng eksibit ng mga anyong sining na ginagamitan ng mabisang komunikatibong

Planning a lesson from these?

Hubmatch lets you tick the competencies your lesson covers and writes a first draft around them — objectives, activities, assessment — which you then edit and export to Word. Two AI plans are free.

Draft a lesson plan