MATATAG curriculum
Grade 12 Malikhaing Pagsulat
25 learning competencies across 2 quarters, as the Department of Education curriculum guide prints them.
Quarter 1
Content standard
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kaalaman at pag-unawa sa iba’t ibang bukal ng idea’t inspirasyon sa pagkatha, gayundin ang batayang kaalaman sa iba’t ibang pangunahing anyo ng malikhaing pagsulat tulad ng tula at maikling kuwento at sa mga elemento ng mga ito.
Performance standard
Nakasusulat ng unang borador ng piniling malikhaing proyekto – maaaring koleksiyon ng pitong tula o isang maikling kuwentong hindi bababa sa 10 pahina.
Learning competencies (18)
MALPAG-G12-Q1-01
Natutukoy ang mahahalagang detalye sa paligid sa pamamagitan ng pagmamasid
MALPAG-G12-Q1-02
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga pandama sa paglalarawan
MALPAG-G12-Q1-03
Nagagamit ang limang pandama sa masining na paglalarawan ng paligid
MALPAG-G12-Q1-04
Nakabubuo ng mga imahen gamit ang pagwawangis at pagtutulad
MALPAG-G12-Q1-05
Natutukoy ang simula, gitna, at wakas ng mga naratibo
MALPAG-G12-Q1-06
Nakabubuo ng naratibong may tatlong-pangungusap na may malinaw na simula, gitna, at wakas
MALPAG-G12-Q1-07
Nagagamit ang mga pamilyar na salaysay sa paghubog ng mga bagong tauhan
MALPAG-G12-Q1-08
Natutukoy ang iba’t ibang uri ng sukat at tugma
MALPAG-G12-Q1-09
Nakabubuo ng modernong bugtong at/o salawikain na may wastong sukat at tugma
MALPAG-G12-Q1-10
Natutukoy ang persona o tinig sa tula
MALPAG-G12-Q1-11
Naipaliliwanag ang pagkakaiba-iba ng mga himig sa tula
MALPAG-G12-Q1-12
Nakabubuo ng mga tulang nasa anyong tradisyonal, moderno, at postmoderno
MALPAG-G12-Q1-13
Naipaliliwanag ang pagkakaiba-iba ng mga popular na genre sa maikling kuwento
MALPAG-G12-Q1-14
Naipaliliwanag ang pagkakaiba-iba ng mga tunggalian
MALPAG-G12-Q1-15
Nagagamit ang angkop na punto de bista para sa binubuong kuwento
MALPAG-G12-Q1-16
Nakapagbabalangkas ng banghay para sa binubuong maikling kuwento
MALPAG-G12-Q1-17
Nakabubuo ng mga tauhan, tagpuan, at tunggalian para sa maikling kuwento
MALPAG-G12-Q1-18
Nakapagsusulat ng unang borador ng alinman sa koleksiyon ng tula o isang maikling kuwento.
Quarter 2
Content standard
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kaalaman at pag-unawa sa proseso ng palihan at sa pagsasaalang-alang sa rebisyon ng isang malikhaing proyekto.
Performance standard
Nakapagsasagawa ng palihan nang may pagsasaalang-alang sa mga puna at mungkahi tungo sa rebisyon ng isang malikhaing proyekto.
Learning competencies (7)
MALPAG-G12-Q2-01
Naipaliliwanag ang halaga at mga katangian ng isang palihan
MALPAG-G12-Q2-02
Nasusuri ang mga puna at mungkahi na makatutulong sa rebisyon ng mga akda
MALPAG-G12-Q2-03
Naibibigay ang makakabuluhang tanong at paglilinaw kaugnay ng akda
MALPAG-G12-Q2-04
Natutukoy ang magkakatulad o magkakaugnay na puna at/o mungkahi mula sa palihan
MALPAG-G12-Q2-05
Nasusuri ang mga puna at mungkahi mula sa palihan ayon sa iba’t ibang uri ng usapin
MALPAG-G12-Q2-06
Nailalapat ang mga naisaayos na puna at mungkahi sa rebisyon ng unang borador
MALPAG-G12-Q2-07
Nakasusulat ng pinal na bersiyon ng malikhaing akda
Planning a lesson from these?
Hubmatch lets you tick the competencies your lesson covers and writes a first draft around them — objectives, activities, assessment — which you then edit and export to Word. Two AI plans are free.
Draft a lesson plan