Hubmatch

MATATAG curriculum

Grade 12 Wika at Komunikasyon sa Akademikong Filipino

18 learning competencies across 2 quarters, as the Department of Education curriculum guide prints them.

Quarter 1

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kritikal na pag-unawa sa wika at mga wika sa Pilipinas tungo sa pagpapahalaga sa Filipino bilang wikang pambansa

Performance standard

Nakasusulat ng kritikal na sanaysay na tumatalakay sa sitwasyon ng wikang Filipino sa lipunang Pilipino

Learning competencies (10)

  • AKADFIL-G12-Q1-01

    Naipaliliwanag ang kahulugan, kahalagahan at katangian ng wika sa komunikasyon at ang papel nito sa lipunan

  • AKADFIL-G12-Q1-02

    Nasusuri ang gamit at tungkulin ng wika sa sarili, pamilya, lipunan, bansa, at daigdig

  • AKADFIL-G12-Q1-03

    Naibabahagi ang mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit at tungkulin ng wika

  • AKADFIL-G12-Q1-04

    Naihahambing ang paggamit sa barayti ng wika ayon sa mga piling sitwasyong napakinggan, nabasa, at napanood

  • AKADFIL-G12-Q1-05

    Nasusuri ang barayti ng wika na ginamit sa teksto batay sa layon, konteksto, at target awdyens

  • AKADFIL-G12-Q1-06

    Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon batay sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan

  • AKADFIL-G12-Q1-07

    Naiisa-isa ang mga sanhi at bunga ng mahahalagang pangyayari sa pag-unlad ng wikang Filipino

  • AKADFIL-G12-Q1-08

    Naipaliliwanag ang sistema ng pagsulat at ang mga batayang tuntunin sa pagbabaybay sa Filipino

  • AKADFIL-G12-Q1-09

    Nasusuri ang mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas mula sa mga napakinggan, nabasa at napanood

  • AKADFIL-G12-Q1-10

    Nakasusulat ng kritikal na sanaysay na tumatalakay sa sitwasyon ng wikang Filipino sa lipunang Pilipino

Quarter 2

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kritikal na pag-unawa sa mga batayang kaalaman sa komunikasyon at kakayahan sa akademikong Filipino sa pagsusuri ng mga teksto sa iba’t ibang disiplina tungo sa mabisang pakikipagdiskurso

Performance standard

Nakapagsasagawa ng kritikal na talakayan tungkol sa isang napapanahong usaping panlipunan

Learning competencies (8)

  • AKADFIL-G12-Q2-01

    Naipaliliwanag ang kahulugan, kahalagahan, uri, antas, elemento, at proseso ng komunikasyon

  • AKADFIL-G12-Q2-02

    Nailalapat ang mga konseptong pangkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon

  • AKADFIL-G12-Q2-03

    Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng kakayahang komunikatibo

  • AKADFIL-G12-Q2-04

    Naipaliliwanag ang kahulugan, kahalagahan at katangian ng akademikong Filipino

  • AKADFIL-G12-Q2-05

    Naipaliliwanag ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina

  • AKADFIL-G12-Q2-06

    Nasusuri ang paggamit ng akademikong Filipino sa mga sulatín sa iba’t ibang disiplina

  • AKADFIL-G12-Q2-07

    Natutukoy ang mga tuntunin at hakbang sa pagsasagawa ng kritikal na talakayan gamit ang iba’t ibang mungkahing moda ng diskurso

  • AKADFIL-G12-Q2-08

    Nakapagsasagawa ng kritikal na talakayan tungkol sa isang napapanahong usaping panlipunan

Planning a lesson from these?

Hubmatch lets you tick the competencies your lesson covers and writes a first draft around them — objectives, activities, assessment — which you then edit and export to Word. Two AI plans are free.

Draft a lesson plan