MATATAG curriculum
Grade 2 GMRC
24 learning competencies across 4 quarters, as the Department of Education curriculum guide prints them.
Quarter 1
Learning competencies (6)
GMRC-G2-Q1-01
Naipakikita ang pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng paggamit ng batayang impormasyon sa mga angkop na situwasyon
- Natutukoy ang mga batayang impormasyon tungkol sa sariling pamilya
- Napatutunayan na ang mga batayang impormasyon tungkol sa sariling pamilya ay mahalaga sa pagkakaroon ng kamalayan sa sariling pagkakakilanlan
- Naipahahayag ang mga batayang impormasyon tungkol sa sariling pamilya (hal. pagguhit ng family portrait at pagkuwento tungkol sa pamilya)
GMRC-G2-Q1-02
Nakapagsasanay sa pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagtupad sa mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan
- Natutukoy ang mga paraan ng pangangalaga sa kalusugan na natutuhan sa pamilya
- Naipaliliwanag na ang pangangalaga sa kalusugan gabay ang pamilya ay mahalaga sa pagpapanatili ng malusog na isip at katawan
- Naisasakilos ang wastong pangangalaga sa kalusugan na gabay ang pamilya
GMRC-G2-Q1-03
Nakapagsasanay sa pagiging totoo sa pamamagitan ng wastong pagpapahayag ng tunay na damdamin sa mga pangyayari o situwasyon
- Naiisa-isa ang iba't ibang damdamin
- Naiuugnay ang pag-unawa sa sariling damdamin sa paglinang ng pansariling disiplina na makikita sa kaniyang mga kilos at pakikipag-ugnayan
- Nailalapat ang mga wastong pagtugon sa iba’t ibang nararanasang damdamin
GMRC-G2-Q1-04
Naipakikita ang pagiging madasalin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sariling panalangin
- Nakapagbibigay ng mga mabuting dulot ng pansariling panalangin
- Napatutunayan na ang pansariling panalangin ay paraan ng pakikipag-ugnayan upang maipahayag ang pagkilala, pasasalamat, at pagmamahal sa Diyos
- Nakabubuo ng sariling panalangin para sa ikabubuti ng sarili at kapuwa
GMRC-G2-Q1-05
Nakapagsasanay sa pagiging masinop sa pamamagitan ng pagtitiyak na walang naaaksaya at nasasayang na gamit o mga bagay sa kapaligiran na maaaring mapakinabangan
- Nakakikilala ng mga wastong paraan ng pagtitipid na nakabubuti sa kapaligiran
- Napatutunayan na ang pagtitipid na nakabubuti sa kapaligiran ay pagganap sa tungkuling gamitin nang wasto at sulitin ang mga bagay
- Naisasakilos ang mga wastong paraan ng pagtitipid na nakabubuti sa kapaligiran
GMRC-G2-Q1-06
Naipakikita ang pagiging masunurin sa pamamagitan ng pagsunod sa iba’t ibang alituntunin sa pamayanan
- Natutukoy ang mga tungkulin ng batang Pilipino sa pamayanan
- Napatutunayan na ang mga sariling tungkulin ng batang Pilipino sa pamayanan ay makatutulong upang hubugin ang pagmamahal sa kaniyang bayan
- Nailalapat ang mga tungkulin sa pamayanan ng batang Pilipino sa iba’t ibang situwasyon
Quarter 2
Learning competencies (6)
GMRC-G2-Q2-01
Nakapagsasanay ng tiwala sa sarili sa pamamagitan ng pagpapakita ng kakayahan o talento
- Natutukoy ang sariling kakayahan o talento sa tulong ng pamilya
- Napatutunayan na ang pagkilala ng sariling kakayahan o talento sa tulong ng pamilya ay naglilinang sa kaniyang taglay na kalakasan tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili
- Nakapagbabahagi ng sariling kakayahan o talento na natuklasan sa tulong ng pamilya
GMRC-G2-Q2-02
Naipakikita ang pagiging mapagpasensiya sa pamamagitan ng paggamit ng mga magagalang na pananalita at wastong pagkilos
- Nailalarawan ang maayos na pag-uusap sa loob ng pamilyang kinabibilangan
- Nakapagbibigay ng patunay na ang maayos na pag-uusap sa loob ng pamilya ay nakapagdudulot ng maayos na ugnayan at pagkakaunawaan ng lahat ng kasapi
- Naisasakilos ang mga paraan ng maayos na pakikipag-uusap sa loob ng pamilya bilang bahagi nito
GMRC-G2-Q2-03
Naipakikita ang katapatan sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan sa iba't ibang situwasyon
- Naiisa-isa ang mga kabutihang dulot ng pagiging tapat sa pamilya sa pakikipagkapuwa
- Napatutunayan na ang katapatan sa pamilya bilang gabay sa pakikipagkapuwa ay nakapagdudulot ng maayos na ugnayan
- Naisasakilos ang mga paraan ng katapatan sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa na natutuhan sa pamilya
GMRC-G2-Q2-04
Naipakikita ang pagiging masunurin sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya
- Natutukoy ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya
- Napatutunayan na ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya ay nakapagbubuklod at nakapagpapatatag dito
- Nakapagbabahagi ng mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilyang kinabibilangan
GMRC-G2-Q2-05
Naipakikita ang pagkamaayos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin at tagubilin ng pamilya sa pagpapanatili ng kalinisan
- Natutukoy ang mga paraan ng pagpapanatili ng kalinisan sa tahanan
- Napatutunayan na ang kalinisan sa tahanan tungo sa maayos na kapaligiran ay mahalaga upang malinang ang pagkamaayos sa sarili at kapaligiran
- Nailalapat ang pagpapanatili ng kalinisan sa tahanan sa iba’t ibang gawain at situwasyon
GMRC-G2-Q2-06
Naipakikita ang mabuting pakikitungo sa pamamagitan ng wastong paraan ng pagtanggap sa mga bisita
- Nailalarawan ang mga paraan ng mabuting pagtanggap ng pamilya sa mga bisita
- Napatutunayan na ang mga paraan ng mabuting pagtanggap ng pamilya sa mga bisita ay sumasalamin sa mabuting pakikitungo o hospitable at mabuting ugnayan sa pamayanan
- Naisasakilos ang mga paraan ng mabuting pagtanggap ng pamilya sa mga bisita
Quarter 3
Learning competencies (6)
GMRC-G2-Q3-01
Naipakikita ang pagiging mapanagutan sa pakikitungo at pakikipag-usap sa kapuwa
- Naiisa-isa ang mga wastong paraan sa pakikipagkapuwa
- Napatutunayan na ang wastong paraan sa pakikipagkapuwa ay nakatutulong upang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan
- Naisasakilos ang wastong paraan sa pakikipagkapuwa tungo sa kabutihan
GMRC-G2-Q3-02
Naipakikita ang pagiging mapagmahal sa pamamagitan ng pagkukusang tumulong sa kapuwa batay sa sariling kakayahan
- Natutukoy ang mga kilos o gawain na nagpapakita ng kabutihan sa kapuwa
- Napatutunayan na ang paggawa ng kabutihan sa kapuwa ay naglilinang ng mga gawi tungo sa pagiging mabuting tao
- Naisasakilos ang mga paraan ng paggawa ng kabutihan sa kapuwa (halimbawa: pagtutulungan sa mga gawain)
GMRC-G2-Q3-03
Naipakikita ang pagiging mapagpasalamat sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng pagkilala sa mga kabutihang nagawa ng kapuwa
- Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapasalamat sa kabutihan ng kapuwa
- Napatutunayan na ang pagkilala sa kabutihan ng kapuwa ay pagbibigay-halaga sa kagandahang- loob ng kapuwa tungo sa paglinang ng mga mabuting gawi
- Naisasakilos ang mga gawain na nagpapakita ng pasasalamat sa mga kabutihang nagawa ng kapuwa
GMRC-G2-Q3-04
Naipakikita ang pagiging magalang sa pamamagitan ng wastong kilos ng pagkilala sa iba’t ibang gawain o simbolo ng relihiyon o paniniwala ng kapuwa
- Naiisa-isa ang mga paraan ng paggalang sa iba't ibang relihiyon o paniniwala ng kapuwa
- Napatutunayan na ang paggalang sa pagkakaiba-iba ng relihiyon o paniniwala ng kapuwa ay kailangan upang magkaroon ng mabuting ugnayan.
- Nailalapat ang mga paraan ng paggalang sa iba’t ibang relihiyon o paniniwala ng kapuwa
GMRC-G2-Q3-05
Naipakikita ang pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing nagpapabuti sa kapaligiran katuwang ang kapuwa-bata
- Natutukoy ang mga paraan ng wastong pangangalaga sa kapaligiran katuwang ang kapuwa-bata
- Napatutunayan na ang pangangalaga sa kapaligiran katuwang ang kapuwa-bata ay nakapanghihikayat na magtulungan sa pagpapabuti ng kapaligiran
- Naisasakilos ang mga paraan ng wastong pangangalaga sa kapaligiran katuwang ang kapuwa-bata
GMRC-G2-Q3-06
Naipakikita ang pagiging matulungin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sariling kakayahan o anumang tulong sa mga gawain ng pagbabayanihan kasama ang kapuwa-bata
- Nailalarawan ang pagbabayanihan ng kapuwa-bata para sa pamayanan
- Napatutunayan na ang pagbabayanihan ng kapuwa-bata para sa pamayanan ay nagbibigay ng inspirasyon na makiisa sa mga gawain sa pamayanan
- Nakalalahok sa mga gawain ng pagbabayanihan ng kapuwa-bata para sa pamayanan
Quarter 4
Learning competencies (6)
GMRC-G2-Q4-01
Naipakikita ang pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin sa loob at labas ng pampublikong pasilidad
- Natutukoy ang mga kilos na nagpapakita ng disiplinang pansarili sa paggamit ng pampublikong pasilidad
- Napatutunayan na ang disiplinang pansarili sa paggamit ng pampublikong pasilidad ay nakatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan alinsunod sa mga panuntunan ng pamayanan
- Naisasakilos ang mga wastong paggamit ng pampublikong pasilidad bilang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan alinsunod sa mga panuntunan ng pamayanan
GMRC-G2-Q4-02
Naipakikita ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pagtupad sa mga inaasahang kilos na nagpapakita ng pakikiisa ng pamilya sa pamayanan
- Nakakikilala ng mga gawain na nagpapakita ng pakikiisa ng pamilya sa pamayanan
- Napatutunayan na ang pakikiisa ng pamilya sa pamayanan ay bahagi ng tungkulin nitong panatilihin ang kaayusan ng bayan
- Nakapagbabahagi ng mga pansariling gawain na nagpapakita ng pakikiisa ng pamilyang kinabibilangan sa pamayanan
GMRC-G2-Q4-03
Naipakikita ang pagiging palakaibigan sa pamamagitan ng pakikiisa mga pagdiriwang sa pamayanan
- Naiisa-isa ang mga pagdiriwang sa pamayanan na nagpapabuti ng pakikipagkapuwa
- Napatutunayan na ang pakikiisa sa mga pagdiriwang sa pamayanan ay nagpapabuti ng pakikipagkapuwa
- Nakapagbabahagi ng karanasan ng pakikiisa sa mga pagdiriwang sa pamayanan upang mapabuti ang ugnayan ng mamamayan
GMRC-G2-Q4-04
Nakapagsasanay sa pakikiisa sa pamamagitan ng pagtupad ng kaniyang mga tungkulin sa gawain ng kinabibilangang relihiyon o paniniwala
- Naiisa-isa ang mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala na nakatutulong sa pamayanan
- Napatutunayan na ang mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala na nakatutulong sa pamayanan ay nakalilinang ng pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga mamamayan
- Nakapagbabahagi ng mga karanasan sa mga gawaing tumutulong sa pamayanan ng kinabibilangang relihiyon o paniniwala
GMRC-G2-Q4-05
Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pangangalaga sa kapaligiran ayon sa sariling kakayahan
- Natutukoy ang mga gawain ng pamayanan sa pangangalaga sa kapaligiran
- Napatutunayan na ang pangangalaga ng kapaligiran ng kinabibilangang pamayanan ay nagdudulot ng ligtas at maayos na pamumuhay
- Nakalalahok sa mga gawain ng pangangalaga ng pamayanan sa kapaligiran gamit ang sariling kakayahan
GMRC-G2-Q4-06
Naipakikita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga kilos na nagbibigay-halaga sa mga sakripisyo ng mga bayani sa sariling bayan
- Nakakikilala ng mga kabayanihan sa sariling bayan
- Napatutunayan na ang mga kabayanihan sa sariling bayan ay kapupulutan ng aral at mabuting halimbawa ng pagmamahal sa bayan
- Naisasakilos ang pagkilala sa mga kabayanihan sa sariling bayan
Planning a lesson from these?
Hubmatch lets you tick the competencies your lesson covers and writes a first draft around them — objectives, activities, assessment — which you then edit and export to Word. Two AI plans are free.
Draft a lesson plan