Hubmatch

MATATAG curriculum

Grade 7 Araling Panlipunan

23 learning competencies across 4 quarters, as the Department of Education curriculum guide prints them.

Quarter 1

Content standard

Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa ginampanan ng katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo ng sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at Timog Silangang Asya

Performance standard

Nakabubuo ng proyekto na nagpapaliwanag sa ginampanan ng katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo ng sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at Timog Silangang Asya

Learning competencies (6)

  • ARLPAN-G7-Q1-01

    Naipaliliwanag ang mahalagang ginampanan ng katangiang pisikal ng Pilipinas at ng rehiyon sa pagbuo ng sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at Timog Silangang Asya

  • ARLPAN-G7-Q1-02

    Nasusuri ang heograpiyang pantao ng Timog Silangang Asya batay sa pangkat-etnolinggwistiko, pananampalataya, estrukturang panlipunan, at ugnayang pangkapangyarihan

  • ARLPAN-G7-Q1-03

    Naiuugnay ang katangian ng sinaunang lipunan sa pagkakamag-anak, pamilya at kasarian (kinship, family and gender) sa Timog Silangang Asya

  • ARLPAN-G7-Q1-04

    Nasusuri ang kalinangang Austronesyano at Imperyong Maritima kaugnay sa pagbuo ng kalinangan ng Pilipinas at Timog Silangang Asya

  • ARLPAN-G7-Q1-05

    Naiuugnay ang sinaunang kabihasnan ng Pilipinas sa mga bansa sa Timog Silangang Asya, China at India

  • ARLPAN-G7-Q1-06

    Napahahalagahan ang ugnayan ng heograpiya at sinaunang kasaysayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya

Quarter 2

Content standard

Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa naging tugon at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Pilipinas at Timog Silangang Asya

Performance standard

Nakabubuo ng proyekto na nagbibigay-impormasyon sa mga naging tugon sa kolonyalismo at imperyalismo sa Pilipinas at Timog Silangang Asya

Learning competencies (8)

  • ARLPAN-G7-Q2-01

    Naipaliliwanag ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo

  • ARLPAN-G7-Q2-02

    Naipaghahambing ang una at ikalawang yugto ng imperyalismong Kanluranin

  • ARLPAN-G7-Q2-03

    Nasusuri ang mga pamamaraan at patakarang kolonyal sa tatlong bansa ng pangkapuluang Timog Silangang Asya

  • ARLPAN-G7-Q2-04

    Nasusuri ang iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin at pag-angkop) sa tatlong bansa ng pangkapuluang Timog Silangang Asya

  • ARLPAN-G7-Q2-05

    Nasusuri ang mga pamamaraan at patakarang kolonyal sa tatlong bansa ng pangkontinenteng Timog Silangang Asya

  • ARLPAN-G7-Q2-06

    Nasusuri ang iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin, at pag-angkop) sa tatlong bansa ng pangkontinenteng Timog Silangang Asya

  • ARLPAN-G7-Q2-07

    Naipaliliwanag ang imperyalismong Hapon sa ika-20 siglo

  • ARLPAN-G7-Q2-08

    Naipaghahambing ang mga pamamaraan, patakarang kolonyal, at iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin at pag-angkop) sa apat na mga bansa ng Timog Silangang Asya

Quarter 3

Content standard

Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nasyonalismo at pagkabansa sa konteksto ng kolonyalismo sa Pilipinas at Timog Silangang Asya

Performance standard

Nakapagsasagawa ng pagtatanghal na nagpapahalaga sa nasyonalismo at pagkabansa ng Pilipinas at Timog Silangang Asya sa konteksto ng kolonyalismo NILALAMAN

Learning competencies (5)

  • ARLPAN-G7-Q3-01

    Naipaliliwanag ang sumusunod na konsepto: A. Nasyonalismo B. Kasarinlan C. Pagkabansa

  • ARLPAN-G7-Q3-02

    Naipaliliwanag ang pagtamo ng kasarinlan ng mga piling bansa sa Timog Silangang Asya

  • ARLPAN-G7-Q3-03

    Nasusuri ang mga hamon sa pagkabansa ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

  • ARLPAN-G7-Q3-04

    Nasusuri ang mga hamon sa pagkabansa ng pangkontinenteng Timog Silangang Asya matapos ang Kumperensiya ng Bandung

  • ARLPAN-G7-Q3-05

    Nasusuri ang mga hamon sa pagkabansa ng pangkapuluang Timog Silangang Asya matapos ang Kumperensiya ng Bandung

Quarter 4

Content standard

Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa papel ng ASEAN sa pagtugon sa mga hamon at pagkakamit ng likas-kayang pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya

Performance standard

Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong sa pagpapahalaga sa papel ng ASEAN tungo sa pagkakaisa at pagharap sa hamon ng likas-kayang pag-unlad at karapatang pantao sa Timog Silangang Asya NILALAMAN

Learning competencies (4)

  • ARLPAN-G7-Q4-01

    Natatalakay ang layunin, kasaysayan, estruktura, at ilang tagumpay ng ASEAN

  • ARLPAN-G7-Q4-02

    Naiuugnay ang papel ng Pilipinas bilang aktibong kasapi ng ASEAN

  • ARLPAN-G7-Q4-03

    Nasusuri ang mga hamon at tugon ng ASEAN sa pagtamo ng likas-kayang pag-unlad (sustainable development)

  • ARLPAN-G7-Q4-04

    Nasusuri ang papel ng ASEAN sa usapin ng karapatang pantao sa Pilipinas at Timog Silangang Asya 8 ay makapagtaya ang mga mag-aaral sa mga usapin at gamit ang mahahalagang kaisipan sa heograpiya, pamumuno at pagsunod, ekonomiya, at likas- ng daigdig at pagtataya sa mga usapin at isyung Ikawalong pamamahala at ugnayang pandaigdig mapanagutang mamamayan ng bansa at daigdig sa pagtugon sa mga usapin at isyung pandaigdig na kaugnay pamamahala at ugnayang pandaigdig bilang tugon sa mga ng bansa at daigdig

Planning a lesson from these?

Hubmatch lets you tick the competencies your lesson covers and writes a first draft around them — objectives, activities, assessment — which you then edit and export to Word. Two AI plans are free.

Draft a lesson plan