Hubmatch

MATATAG curriculum

Grade 9 Filipino

25 learning competencies across 4 quarters, as the Department of Education curriculum guide prints them.

Quarter 1

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan sa Panahon ng Kasarinlan, tekstong impormasyonal (argumentatibo) para sa paghubog ng kamalayang panlipunan at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.

Performance standard

Nakabubuo ng isang literaring analisis ng graphic novel na isinasaalang-alang ang mga elementong biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na kasanayan at pananagutan.

Learning competencies (7)

  • FIL-G9-Q1-01

    Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa Panahon ng Kasarinlan kaugnay ng mga tekstong pampanitikan

    • • Kaligirang Pangkasaysayan (Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan)
  • FIL-G9-Q1-02

    Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa

    • • Tula
    • (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (persona, sukat at tugma, talinghaga at estilo) at detalye (paksa, nilalaman at kaisipan) ng tula
    • (b) Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang diwa/ imahen sa tula
    • (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao
    • (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tula) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda
    • (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (sukat, tugma,tono at talinghaga) ng tula
    • (f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon
    • • Maikling katha
    • • Nobela
    • • Dula
    • • Sanaysay
    • • Mga Panitikan sa Ingles sa Panahon ng Kasarinlan na isinulat ng mga Pilipino
    • (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian) at detalye sa tuluyan
    • (b) Naipaliliwanag ang banghay (gaya ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari; pagyuyugto ng mga pangyayari (foreshadowing), pagkakahanay ng mga pangyayari (parallelism and simultaneity), at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari (in medias res), mensahe, pahiwatig at kaisipan sa binasang tuluyan
    • (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tuluyan batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao
    • (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda
    • (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (bisa ng salita, pahiwatig, idyomatikong pahayag, estilo) ng tuluyan
    • (f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon
  • FIL-G9-Q1-03

    Nauunawaan ang tekstong argumentatibo gamit ang mga kasanayang pang-akademik

    • • Mga kasanayang pang-akademik (gaya ng pagtukoy sa paksa, layon at ideya, pagtatala ng mahahalagang impormasyon (detalye), mekaniks sa pagsulat (diksyon, estilo at paggamit ng transisyonal at kohesiyong gramatikal), paggamit ng angkop na mga salita sa pagpapahayag ng mga ideya at pagbuo ng talata)
    • • Mga tekstong argumentatibo (gaya ng retorikal na analisis, literaring analisis, debate at talumpati)
    • (a) Natutukoy ang paksa, layon, at ideya sa teksto
    • (b) Natutukoy sa tekstong argumentatibo ang mga impormasyon at detalye na makatotohanan at mayaman sa opinyon
    • (c) Nakikilala ang mga pangunahin at pangalawang sanggunian
    • (d) Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sangggunian
    • (e) Naipaliliwanag ang mahahalagang ideya at detalye gamit ang diksyon, estilo, transisyonal at kohesiyong gramatikal at kaangkupan ng salita at ideya na nais iparating sa mambabasa
  • FIL-G9-Q1-04

    Nasusuri ang tekstong argumentatibo batay sa estruktura nito (tesis, proposisyon, datos, pangangatuwiran, at rebuttal)

  • FIL-G9-Q1-05

    Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento

    • • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
    • • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora at PWD)
    • (a) Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal
    • (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto (panitikan at argumentatibo)
  • FIL-G9-Q1-06

    Nakabubuo ng isang pabalat ng graphic novel hango sa literaring analisis

    • (a) Nakapipili ng nobela sa Panahon ng Kasarinlan
    • (b) Naitatala ang pinakakapana-panabik na bahagi ng nobela na gagamitin sa pabalat ng graphic novel
    • (c) Naiguguhit ang imahen/ larawan (ilustrasyon ng tauhan, tema, panel, gutter) ng mga tauhan batay sa mga pangyayari at dayalog na kinasangkutan nila
    • (d) Nakabubuo ng borador (disenyo at pabalat o cover) para sa graphic novel gamit ang mga elementong biswal
  • FIL-G9-Q1-07

    Naibabahagi ang nabuong proseso sa paglikha ng pabalat ng graphic novel hango sa bahagi ng sinuring nobela sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo (advertisement), at etikal na kasanayan at pananagutan

Quarter 2

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan sa Panahon ng Kasarinlan, tekstong impormasyonal (argumentatibo) para sa paghubog ng kamalayang panlipunan at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.

Performance standard

Nakabubuo ng isang pabalat ng graphic novel na batay sa isinagawang literaring analisis ng nabasang nobela na isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan.

Learning competencies (7)

  • FIL-G9-Q2-01

    Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa Panahon ng Aktibismo at Batas Militar kaugnay ng mga tekstong pampanitikan

    • • Kaligirang Pangkasaysayan (Panitikan sa panahon ng Aktibismo at Batas-Militar)
  • FIL-G9-Q2-02

    Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa

    • • Tula
    • (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (persona, sukat at tugma, talinghaga at estilo) at detalye (paksa, nilalaman at kaisipan) ng tula
    • (b) Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang diwa/imahen sa tula
    • (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao
    • (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tula) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda
    • (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (sukat, tugma, tono at talinghaga) ng tula
    • (f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon
    • • Maikling katha
    • • Nobela
    • • Dula
    • • Mga Akda sa Ingles sa Panahon ng Aktibismo at Batas-Militar na sinulat ng mga Pilipino
    • (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian) at detalye sa tuluyan
    • (b) Naipaliliwanag ang banghay (gaya ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari; pagyuyugto ng mga pangyayari (foreshadowing), pagkakahanay ng mga pangyayari (parallelism and simultaneity), at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari (in medias res), mensahe, pahiwatig at kaisipan sa binasang tuluyan
    • (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tuluyan batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao
    • (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda
    • (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (bisa ng salita, pahiwatig, idyomatikong pahayag, estilo) ng tuluyan
    • (f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon
  • FIL-G9-Q2-03

    Nauunawaan ang tekstong argumentatibo gamit ang mga kasanayang pang-akademik

    • • Mga kasanayang pang-akademik (gaya ng pagtukoy sa paksa, layon at ideya, pagtatala ng mahahalagang impormasyon (detalye), mekaniks sa pagsulat (diksyon, estilo, at paggamit ng transisyonal at kohesiyong gramatikal), paggamit ng angkop na mga salita sa pagpapahayag ng mga ideya at pagbuo ng talata)
    • • Mga tekstong argumentatibo (gaya ng retorikal na analisis, literaring analisis, debate at talumpati)
    • (a) Natutukoy ang paksa, layon at ideya sa teksto
    • (b) Natutukoy sa tekstong argumentatibo ang mga impormasyon at detalye na makatotohanan at opinyon
    • (c) Nakikilala ang mga pangunahin at pangalawang sanggunian
    • (d) Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang mapagkakatiwalaang sanggunian
    • (e) Naipaliliwanag ang mahahalagang ideya at detalye gamit ang diksyon, estilo, transisyonal at kohesiyong gramatikal at kaangkupan ng salita at ideya na nais iparating sa mambabasa
  • FIL-G9-Q2-04

    Nasusuri ang tekstong argumentatibo batay sa estruktura nito (tesis, proposisyon, datos, pangangatuwiran, at rebuttal)

  • FIL-G9-Q2-05

    Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento

    • • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
    • • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora at PWD)
    • (a) Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal
    • (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto (pampanitikan at argumentatibo)
  • FIL-G9-Q2-06

    Nakabubuo ng isang pabalat ng graphic novel hango sa bahagi ng sinuring nobela

    • (a) Natutukoy ang mga materyal na gagamitin sa pagbuo ng napiling pabalat ng graphic novel
    • (b) Nailalapat ang angkop na kulay at teksto sa nabuong imahen/larawan
    • (c) Nasusuri ang kaangkupan ng mga inilapat na elemento sa pabalat ng graphic novel
    • (d) Nakabubuo ng simpleng patalastas para sa nabuong graphic novel
  • FIL-G9-Q2-07

    Naibabahagi ang nabuong pabalat ng graphic novel na hango sa literari analisis sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo (advertisement), at etikal na kasanayan at pananagutan

Quarter 3

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan mula 1986 hanggang sa pagbubukas ng bagong Milenyo, at tekstong transaksyonal para sa paghubog ng kamalayang panlipunan at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.

Performance standard

Nakabubuo ng isang korespondensiya opisyal gamit ang nilikhang logo at letterhead na isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan.

Learning competencies (6)

  • FIL-G9-Q3-01

    Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa Panahon ng 1986 hanggang sa pagbubukas ng Bagong Milenyo kaugnay ng mga tekstong pampanitikan

    • • Kaligirang Pangkasaysayan (1986 hanggang sa Pagbubukas ng Bagong Milenyo)
  • FIL-G9-Q3-02

    Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa

    • • Tula
    • (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (persona, sukat at tugma, talinghaga at estilo) at detalye (paksa, nilalaman at kaisipan) ng tula
    • (b) Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang diwa/imahen sa tula
    • (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao
    • (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tula) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda
    • (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (sukat, tugma,tono at talinghaga) ng tula
    • (f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon
    • • Maikling kuwento
    • • Nobela
    • • Dula
    • • Pelikula
    • • Sanaysay
    • (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian) at detalye sa tuluyan
    • (b) Naipaliliwanag ang banghay (gaya ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari; pagyuyugto ng mga pangyayari (foreshadowing), pagkakahanay ng mga pangyayari (parallelism and simultaneity), at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari (in medias res), mensahe, pahiwatig at kaisipan sa binasang tuluyan
    • (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tuluyan batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao
    • (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda
    • (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (bisa ng salita, pahiwatig, idyomatikong pahayag, estilo) ng tuluyan
    • (f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon
  • FIL-G9-Q3-03

    Nasusuri ang mga katangian ng Korespondensiya Opisyal

    • ● Mga Liham Pantanggapan (gaya ng liham pakiusap, pagtatanong, at aplikasyon)
    • ● Sulatroniko/Email
    • ● Pagbuo ng Resolusyon
    • (a) Natutukoy ang isang korespondensiya opisyal batay sa layon at sitwasyon
    • (b) Nakapagbabalangkas ng isang korespondensiya opisyal batay sa layon at sitwasyon
  • FIL-G9-Q3-04

    Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento

    • • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
    • • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora, at PWD)
    • (a) Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal
    • (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto (panitikan at argumentatibo)
  • FIL-G9-Q3-05

    Nakabubuo ng isang korespondensiya opisyal batay sa layunin, gamit ang nilikhang logo at letterhead

    • (a) Natutukoy ang tiyak na logo at letterhead na gagawin para sa isang korespondensiya opisyal
    • (b) Naitatala ang mga tiyak na larawan, caption at mga tao na kabilang sa letterhead
    • (c) Nakabubuo ng plano at borador hinggil sa logo at letterhead na gagawin
    • (d) Nakasusulat ng isang korespondensiya opisyal gamit ang nilikhang logo at letterhead
  • FIL-G9-Q3-06

    Naibabahagi ang nabuong korespondensiya opisyal gamit ang nilikhang logo at letterhead sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo (paggamit ng sulatroniko o email), at etikal na kasanayan at pananagutan

Quarter 4

Content standard

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng Obra Maestra – Noli Me Tangere para sa paghubog ng kamalayang panlipunan at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.

Performance standard

Nakabubuo ng video trailer ng Noli Me Tangere na naipakikita ang kamalayan sa usaping panlipunan sa Obra Maestra na isinasaalang-alang ang elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan.

Learning competencies (5)

  • FIL-G9-Q4-01

    Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng Obra Maestra – Noli Me Tangere

    • • Kaligirang Pangkasaysayan (Noli Me Tangere)
  • FIL-G9-Q4-02

    Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa

    • • Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal
    • • Pagpapakilala ng mga Tauhan
    • • Kabanata 1-18 at 21
    • • Kabanata 19-20, 22-46
    • • Kabanata 47-63
    • (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian) at detalye sa Noli Me Tangere
    • (b) Naipaliliwanag ang banghay (gaya ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari; pagyuyugto ng mga pangyayari (foreshadowing), pagkakahanay ng mga pangyayari (parallelism and simultaneity), at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari (in medias res), mensahe, pahiwatig at kaisipan sa Noli Me Tangere
    • (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng Noli Me Tangere batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao
    • (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan, at may-akda
    • (g) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika sa Noli Me Tangere
    • (h) Nakapaghahambing ng mga tekstong hawig sa Noli Me Tangere at iba pang nobelang panlipunan ba nasusulat sa Pilipinas at sa ibang bansa
  • FIL-G9-Q4-03

    Nasusuri ang mga tekstong biswal na makikita sa Noli Me Tangere

    • • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
    • • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora, at PWD) - Pabalat ng Noli Me Tangere - Bayan ng San Diego na kakikitaan ng magagarang karuwahe - Larawan ng karukhaan ng pamilya nina Sisa, Basilio, at Crispin - Mga Pagkaing Pilipino - Photography - Simbahan na punong-puno ng tao habang may nagmimisang isang Paring Espanyol na kumukumpas ang kamay habang siya ay nasa pulpito - Ang senaryo ng away nina Donya Consolacion at Donya Victorina - Ang Gubat ng mga Ibarra - Piitan - Lawa ng San Diego - Libingan ng mga Ibarra - Bangka - Mahahalagang tauhan
    • (a) Naipaliliwanag ang kahulugan ng tekstong biswal sa Obra Maestra- Noli Me Tangere
    • (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng Obra Maestra- Noli Me Tangere
  • FIL-G9-Q4-04

    Nakabubuo ng video trailer ng Noli Me Tangere na naipakikita ang pag-unlad ng usaping panlipunan sa kasalukuyan

    • (a) Nakapipili ng tiyak na bahagi ng Noli Me Tangere
    • (b) Nakabubuo ng plano sa pagbuo ng trailer at borador
    • (c) Nakakukuha ng mga videos ng mga gaganap
    • (d) Nalalapatan ng mga sound effects na kailangan sa video
    • (e) Nailalapat ang iba pang elementong multimodal
    • (f) Nairerebisa ang nabuong video trailer
  • FIL-G9-Q4-05

    Naibabahagi ang nilikhang tekstong multimodal (video trailer) sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan

Planning a lesson from these?

Hubmatch lets you tick the competencies your lesson covers and writes a first draft around them — objectives, activities, assessment — which you then edit and export to Word. Two AI plans are free.

Draft a lesson plan